Thursday, March 12, 2009

Merci (mehr-see) - French word for...

"Thank you! oo ikaw! kung sino ka man na nagbabasa ngayon!"


Gusto ko lang naman magpasalamat sa lahat ng bumabasa nitong blog ko kahit ang akala ko eh di kapansin-pansin eh napapansin naman pala...

Sa mga bumabasa at nag-cocomment, thank you dahil nalalaman ko yung mga reaksyon niyo sa bawat topic na pino-post ko... Sa mga bumasa naman na hindi nag-cocomment, thank you pa rin dahil kahit di ko man alam ang mga reaksyon niyo sa bawat topic na pino-post ko, at least nabasa niyo pa rin mga post ko... Sa mga napapadaan lang, thank you pa rin dahil kahit papaano eh naakit kayo kahit man lang nung mga title ng posts ko na nakikita niyo pag bumibisita kayo sa profile ko...

Figure 1.1 "We cannot do Great Things on earth. Only small things with great love - Mother Theresa"

Thank you sa inyong lahat dahil naaapreciate niyo yung efforts ko...

Sa mga nag-comment tulad nina:

Eser -na walang sawang sumusubaybay sa mga posts ko sa friendster...

Jek - na gusto akong magpost anout my experiences with them (sure! gagawan ko talaga kayo... kayo pa!)

Joji - na sinabing idol niya daw ako (thank you naman kahit nga naiilang ako sa'yo.. hehehe... may ganun??? thank you kasi naapreciate mo yung blog ko...)

Kuya Nonoy - na nagcrtique about my writings (thank you dahil nalaman ko ang tamang way ng pagsusulat dahil sa'yo... hehehe...)

Ray Robin - na nagdescribe kung sino ba si Divine Tingzon para sa kanya (thank you kasi you saw a different me at nakita mo ko in a different light...)

Salamat sa inyo dahil alam kong naapreciate niyo ang blog ko... parang redundant na ata ako? Di ko lang kasi maitago ang kaligayahang nararamdaman ko kapag may nakaka-appreciate ng mga posts ko... Di ko kasi ine-expect na may magagandahan pala sa mga posts ko... Sa totoo lang kasi, feeling ko talaga, wala akong talent sa pagsusulat...

Sa mga friends ko, na nakakapagbasa din nitong blog ko, thank you kasi isa kayo sa mga inspirasyon ko sa paggawa nito...

At siyempre, thank you kay Lord dahil pinarealize niya sa 'kin na kahit papano pala, may talent ako sa pagsusulat kahit sa mga simpleng posts lang tulad na 'to...

yun lang naman...

Arigatou gozaimasu in Japanese

Thank you in Enlish

Merci in French

Danke in German

Xiexie in Mandarin

Dank u wel in Dutch

Muchas gracias in Spanish

at

Maraming Salamat in Filipino...

Maraming maraming SALAMAT po!

God bless!

Tuesday, March 10, 2009

Di ko alam kung ‘unconditional love’ ba ang naranasan ko from this friend of mine pero alam ko na walang katumbas yung pagmamahal na binigay niya sa ‘kin…

Naisipan kong isulat ‘to kasi matutulog na dapat ako nung may nag-send sa ‘kin ng text message na may ganitong ending:

They are FRIENDS…

Who can love you more than a lover could do…

Sinend ko yun sa mga friends ko. Tapos naalala ko ‘tong isang friend ko na love ako more than a lover could do. Isang friend na napakalaki ang utang na loob ko sa kanya.


Una ko siyang nakilala nung humiram ako ng calculator sa kanya dahil wala akong magagamit para sa exam namin. Alam mo naman ako, medyo makapal ang face, kasi kahit di ko siya kaklase at kilala ko lang siya sa mukha, eh nakahiram ako sa kanya.

Di ko pa alam name niya nun hanggang sa nakasama ko siya sa bus nung field trip namin sa baguio. Nakatabi ko kasi siya sa bus and as usual, feeling close ang lola mo. Nakikisandal ako sa balikat niya kasi nga gusto ko matulog. May pagka-sweet din kasi ako, at times. (Siya rin kasi nagsabi na sweet daw ako. Hehehe…)

After that semester, naging classmate ko na siya. Naging close kami. Super close na akala ng marami eh kami daw. Lagi kasi kaming magkasama, nagtatawanan, harutan and everything. Akala nga ng parents niya at mga kapatid niya kami eh.

Sobrang naging malapit kami sa isa’t isa. Siguro, dahil nga sobrang bait niya sa ‘kin at dahil na rin siguro, first time ko magkaroon ng guy friend na sobrang napalapit talaga sa ‘kin.

Sobrang dami na niyang nagawa for me… Lagi niya kong tinitreat ng mga food na gusto kong kainin, pag ginagabi ako ng uwi, he makes sure na nakakauwi ako ng safe samin, niloloadan ako! (san ka pa???hehehe… binabayaran ko naman no! pag di ko nakakalimutan… hehehe), lagi kong maaasahan in times of need, pinapatawa ako kapag malungkot ako, shineshare sa ‘kin lahat ng tungkol sa kanya at hindi ako iniiwan.

Although dumating din sa point na sinubok yung friendship namin. Akala ko nun, di na talaga magsusurvive yung friendship namin pero, kita niyo naman, hanggang ngayon, friends pa rin kami. =)

Di ko siguro matatawag na BEST OF FRIENDS kami kasi meron talaga siyang guy best friend eh… pero masasabi ko lang, we had the most different friendship ever! Alam mo yun, there’s just something different between the two of you that even the two of you can’t explain.

Siguro nga, tama yung quote na natanggap ko, na ‘a friend could love you more than a lover could do’ kasi iba talaga yung pagmamahal at attention na binigay niya sa ‘kin. Kahit naman kasi mahal mo ng sobra yung friend mo, di naman ibig sabihin na magiging kayo eh… kumbaga, may mga love sa isang friendship na greater than friendship’s love ang level pero friends pa rin kayo… Ang hirap kasi i-explain eh… Parang ganito, may bf o gf ka pero iba pa rin yung pagmamahal mo sa mga magulang mo… yung pagmamahal mo para sa magulang mo is like yung pagmamahal mo sa friend mo but not exactly the same… gets ba?

Well, Siya na siguro yung pinakakakaibang guy human friend na meron ako! (human kasi si God friend ko rin eh… siya yung bestest! –super2x – lative form! hehehe)

I thank God for giving me that friend of mine and I thank my friend for the love, care, support, encouragement and attention that he has given me…

Kahit naman di ko na banggitin pangalan niya, alam na niya kung sino siya at alam na rin ng marami yun…

Thank you, master! God bless sa life at love life mo! Hehehe…

Yun lang, I hope, naka-relate din kayo kahit papano…

God bless!


Sunday, February 22, 2009

Ngayon, alam ko na kung bakit...

Ahuh, madrama ba yung title? Kahapon kasi, marami rami din akong narealize...

1. Nagkita kasi kami ng aking close friend kahapon bago ako pumunta sa bahay ng classmate kong maganda na si Keka para gumawa ng thesis. Yung close friend kong yun, may kinwento sa akin. Natatandaan ko lahat... ito yung mga binitiwan niyang salita:

"Ngayon alam ko na kung bakit niya ko kailangan. Sana hindi ko na lang siya iniwan. Kailangang kailangan niya pala ko. Kaya pala, nung iniwan ko siya, halos maguho angm undo niya. Pero wala na kong magagawa eh... Tapos na ang lahat. Ang kaya ko na lang gawin ay maging kaibigan sa kanya. Pero kung maging kami man ulit, magiging masaya akong mahalin siya ulit..."

Oh di ba? bonggang bonggang drama ito... Naawa naman ako sa kanya... Noon kasi, akala niya, di naman talaga siya yung kailangan nung minamahal niya. Hanggang sa iwan niya yung mahal niya dahil parang wala namang mangyayari sa kanila at nang mangyari yun, dun niya nalaman kung gaano siya kamahal nung taong yun... Well, ganyan tlaga... Sabi nga nila, tsaka mo malalaman yung halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa'yo... Sa kaso niya naman, tsaka mo lang malalaman kung paano magmahal yung taong minahal mo kapag magkaibigan na lang kayo -- kasi nung kayo pa, di niyo napagtuunan ng pansin ang ugali ng isa't isa -- masyado kayong nalunod sa pagmamahal.

Isang patotoo mula sa isang totoong tao na nagmamahal... Nakakatouch no? o baka ako lang na-touch kasi kakilala ko siya pero di niyo naman siya kilala pero sana, nakarelate kayo...

2. Kaninang umaga, sinabi na ni Lord kung bakit ako ganito at kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko. Baka iniisip niyo, may narinig akong boses galing langit o ano ah. Siyempre, may mga tao siyang ginagamit para mai-relay yung mga bagay na gusto niyang iparating sa tin. Tinatanung ko kasi siya lagi, ano ba yung path na gusto niyang tahakin ko? Kung may blue print na ang buhay ko mula simula hanggang katapusan, pwede bang bigyan niya ko ng pahapyaw o konting idea man lang para malaman ko kung ano ba dapat kong gawin...

Kaya ayun nga, binigyan niya na ko ng clue. Sa pagkakaintindi ko, gusto niya kong maging FULL TIME sa kanya... Ginagawa ko naman ang best ko para magampanan yun at maintindihan yung mga gusto niya ipagawa sa kin. May reason kung bakit nangyayari sa buhay natin ang mga bagay-bagay. Ang kailangan lang natin gawin ay maintindihan yung mga yun... Ayun, thankful talaga ko. Kahit pahapyaw lang, at least alam ko na kahit kaunti...

3. Totoo nga yung sinabi dati ng aking co-S.A. (Student Assistant) na si Kiel and i quote:

"If you want something to be done, then do it yourself..."

Ang taray ng lolo mo di ba? Yun nga, tama siya at totoo yan... Wag tayong masyadong umasa sa iba kung may mga bagay tayong gusto mangyari o magawa... Kasi kung aasa tayo ng aasa, walang mangyayari... So if you have something to do, do it now as long as you know its the right thing to do and its the right time to do it... ok?

I hope nag-enjoy kayo sa shinare ko... Actually, marami pa yan kaso kailangan ko na gumawa ng docu namin eh...

God bless!

Wednesday, February 18, 2009

DAY by DAY...

Ate Day! Yan si Ate Day! Danielle Day Armero Estrada! I met her at STI College Fairview... Last June 2006... Di ko man maalala yung exact date na nagkakilala kami pero naalala ko naman kung paano niya binago ang buhay ko at paano niya ko naiimpluwensiyahan sa pang-araw araw kong buhay...

First day of classes - first year college - first semester - STI Fairview: Nagpakilala siya sa harap: wearing complete uniform... Naisip ko, hmmm... mukhang matalino to ah... Studious? Punctual? Masipag... Akala ko nung una, di siya approachable... Akala ko din, di kami magiging close kasi irregular student pala siya...

First year - second semester - Philippine Literature Class - Ms. Annie L. Lazaro: Aba! Magaling pala magdrawing ang lola mo! Kaya pala eh, galing siya sa UST, College of Architecture... 2nd course niya na pala ang IT... Akala ko, wala siyang pakialam sa klase namin dahil irregular student nga siya pero nung tumagal, Nagpapadrawing na kami ni Keka sa kanya ng mga project namin... Matulungin!

Second year - first semester - Intrams: Magaling pala magtabble tennis at magchess si Ate day! Champion sa buong campus! Naks! Pero kahit ganun, she remains humble! At tinuruan niya pa ko magtabble tennis!

Third year - first semester - Multimedia: Magaling sa design and concepts si Ate day... May future sa Web development and Multimedia related stuff...

At present:

Yan na si Ate day! super kulet at matatawa ka sa mga banat niyan! hehehe... Lagi ka niyang mapapatawa at mapapasaya... di ko alam kung anong meron siya pero pag nakikita ko siya, gumagaan yung loob ko... Kahit may problema, nawawala ng pansamantala pag nandiyan siya...

Kapag di ako ok, yayakapin ko siya at gagaan na loob ko... I feel so blessed because of her... She drew me closer to God and i thank her for that... Si ate Day ang isa sa mga instrument ni God dito sa mundo para makapagpabago ng buhay ng iba...

Para ko na siyang kapatid... AT nagpapasalamat din ako kay Lord dahil dinala niya si Ate day sa buhay ko...

Ate day, thank you for being an ate to me... Thank you for listening to me everytime i need an outlet for my sorrow and pain... (ang drama?!) Love you, te Day... You're one of the reasons why i can still bear the burdens i have in life! muah!

God bless!

Sunday, February 15, 2009

"Deo"



Ahuh, siguro nagtataka kayo kung bakit may deodorant jan... well, kahapon kasi, pumunta kami ng pamangkin ko sa SM after pumunta sa simbahan kasi may pinapabili sa kanya yung mommy niya...

Sumama ko kasi gusto kong bumili ng DEODORANT... sa ayaw niyo at sa gusto, parte na ng pang-araw araw na buhay ng maraming tao yan... at isa ako sa mga taong yun...

Ang hirap mamili ng deodorant na babagay sa'yo kaya madyo natagalan ako... Mga 30 minutes ata ko dun... Pero may napili naman ako, syempre... yang nasa screen niyo, yan ang nabili ko... akala ko, 47.00 lang siya pero nung pinunch na nung cashier, ayun! 149.00 pala... wala na kong nagawa... buti nalang at kasya yung dala kong pera...

Mahirap mamili kasi halos lahat ng deodorant ngayon eh parang hindi na pwedeng tawaging DEODORANT kasi wala na kong ibang makita sa karamihan ng label kundi "Whitens and smoothens underarms". Totoo, maraming gustong magpaputi ng kilikili... isa na ko dun pero para sa kin, parang mas mahalaga yata ang mawalan ng amoy yung kilikili mo... Anu naman kung maputi ang kilikili mo kung mabaho naman di ba? ok laNg naman kahit mabasain pa yang kilikili mo kesa naman may amoy di ba?

Nung nasa puberty stage ako, naranasan ko na yang magkaamoy sa kilikili at halos lahat na ng deo eh nasubukan ko na!

Based on my experience:

Tawas na buo - nakakasugat ng kilikili

Tawas powder - hindi dumdikit sa kilikili pag hindi basa

Rexona - "it wont let you down" - totoo pero kahit wala ngang amoy ang kilikili mo, mahihirapan ka naman sa paglalaba ng damit mo dahil maninilaw ang sleeves mo...

Safeguard - mas ok nang magmanufacture sila ng sandamakmak na sabon kesa sa deodorant

Secret - itatago niya nag sekreto mo--na may amoy ang kilikili mo na di kanais nais pero tatadtarin niya ng libag ang kilikili mo kapalit ng pagtatago niya sa sekreto mo

Silka - pinasok na rin ang pag mamanufacture ng deodorant, eh??? pero bagay lang to sa mga tao na ang kailangan ay skin whitener

Dove - moisturizes your skin. yun lang

Block and White - sa umpisa, umeepekto... pag tumagal, wala nang epekto... siguro nakikipaglaban siya sa bacteria kaso pag tumagal nga, naiimmune na yung bacteria sa kanya...

Milcu - haven't tried it

Nivea - di ko alam pero as of now, effective siya... (bias??) although sometimes, di niya kinakaya ang burden ng pagpigil sa di kanais nais na amoy ng iyong underarm

Siguro, iba yung experiences niyo with mine pero shineshare ko lang para naman mainform kayo...

Kung anu man ang deodorant na gamit niyo, God bless u po!

Friday, February 13, 2009

A Compulsory...

well, well, well... this is my very first time to here at blogger.com...
I have been a blogger for about 4 days, i think... =)

my Multimedia instructor last semester and our current Computer Networks instructor told us that we have to have a blogger account... so here i am, not so happy with what i'm doing! hehehe...

If you want to know more about me, read my blog: vinevine.blog.friendster.com
I really can't express myself here cause i feel like i have to speak in english!

I don't know if i sound interesting to you but i hope that you may drop by this blog of mine, once in a while to catch a glimpse of my everyday life as a College student at STI College Fairview...

thank u for taking a tour!

"We write to express and not to impress..."

God bless!